Friday, June 8, 2007

First Day jitters - - - ni mommy! hahahaha

Thursday June 7, 2007
1st day sa school ni Jace. I was so tense the night before... I prepared his clothing ( dapat pogi hehehe ), bag, food etc. We slept at 9pm sharp. Buti at natulog naman including the two other kids who sleeps with me inside the same room. I am used to sleeping for at least 5 hrs lang so by 2am gising na ako. Oh no! not yet.. I tried to fall asleep again pero ang hirap.

It's our 1st time to enroll our kid to a big-ger school. So Im sure medyo ibang experience to. 5:30am my alam sounded ( britney spears song ) To my shock Lolo Charlie texted me and said di siya papasok today para mag hatid! waaaahhhhh ayoko mag drive sa traffic. Malas talaga.
So I hurried up. Di ko maisip ano iluluto for lunch , kung uuwi pa ba ako - kaya ba? I dunno anymore.

Buti natapos kami ng maaga mag bihis. 7am umalis na kasi kasi not sure kung mata-traffic ako or what. Fortunately walang traffic. Unfortunately we were 57mins early for school. Oh well.

Jace was a bit shy with the ate's in school. With kids, ayaw nya na hinahawakan siya. Ayaw din nya na may ka share siya sa toy ... naku po! Di nga pala sanay to sa kids.. mas gusto nya adults ka-interactionan nya. Na overwhelmed ata ang anak ko... ayaw makinig kay mommy... pero buti kumakain naman. ayaw pahawak yet ayaw paiwan. I got stuck there till 10am. I texted my maid to fry chicken fingers and make soup for lunch muna. di na ako makakaluto.

2nd day Friday
Hay si jace.. ayaw mag join sa activities.. takbo ng takbo kung saan saan. May marami pa ata akong nasayaw kaysa sa kanya. Si ate ( yaya nya ) pasaway pa.. di nakikita na mahuhulog na si jace, inaaway na, etc... kaloka. parang ako yung yaya kanina. Taga punas, taga saway, taga habol, taga check.. tatagain ko tong yaya ko eh. Sabi ko kumuha ng t shirt aba umalis nga at tumambay sa isang kanto.. natulala na naman - na overwhelmed din? Gosh!

At least next week i know better.. i'll wear a more relaxed jeans , cotton shirt namanipis - init e! as usual Tita daw ako ng anak ko... hay.. kailan kaya ako pagkamalang nanay? ano ba itsura ng nanay for them? ewan! basta ako cute! hehhehe

Next week dalawa na silang papasok.. then on the 3rd week tatlo na.. buti na lang di sabay sabay. May time akong hatiin sarili ko sa mga anak kong maka-mommy! I'll need to focus on then and remind myself that. Less time spent in front of the computer muna ako ( looking for kitty stuff hahaha ) , at iibahain din ang schedule sa pagluluto... dapat 6am pa lang luto na ang lunch.. my! I remember tuloy my mom, ganyan din siya dat lutu na nag lunch sa umaga kasi papasok din siya sa office. Hay pareho talaga kami ng world na tinatahak ng nanay ko. =)

Yesterday i was so worried kasi di pa ako nakapalenke... too many things to do too little time. I ended up going to hypermart around 8pm to get some meats. Grabe ang traffic sa sm. Buti si hubby pinag drive ako. If not iiyak na talaga ako sa pagod. Nakauwi kami 9:30apm.. Then pinatulog ko na yung tatlo kong anak. 10:30pm doon lang ako nalibre at naghanda ng gagamitin bukas. Took a refreshing bath tub dip... and prayed hard that tomorrow will be better.

It was indeed better... naiba schedule pero at least mas ok. walang responsibilities na naipit. Nakapag hatid ako, luto, banko, linis etc... Kapagod. pero ok lang i just need to get used to the new added responsibilities... need to buy a planner at dami sched line up sa school ni jace.... sana orientation di magka sabay sabay.. hay tatlo to.. kaya to. Basta lord bigyan mo lang ako lagi ng free parking space masaya na ako. =) ( sorry peeps! hate ko pa rin magparking sa masikip - topak ang turn radius ng kotse ko.. maliit - so bitin lagi )

No comments: