Last Saturday, I asked my mom to accompany me to go to Robinson's Place in Manila. I am not familiar with the area anymore ( as usual) been spoiled by hubby who always drive me to and fro places I wish to go. So I usually sit back and yes relax and listen to music... hurt his eardrums as I sing... hahahaha.
Anyway... now this time.. its my turn. Hmmm 1st time ko to puntahan. 1 Year pa lang kasi ako nag da drive.
Near Robinsons place... I saw a sign... "Basement Parking ---->" I turned right. And went extreme left ( thinking its like Megamall when you're headed to its parking. ) But I was wrong... Its a taxi lane ( sige tawa... bonk! ) So I immediately went back to left lane - The van behind me was irritated para kasi akong sawa! you know what I mean. I moved slowly... planning my next move. The van behind me is getting irritated already... I said to myself : "naku wag kang magugulo, nakita na ngang naliligaw e " hahahah
at the corner I turned right.. then I saw another sign. "Basement parking <------" so I turned left and Voila! I saw an opening. Magulo.. may construction. I dunno where to go next so I just followed the Fiera type jeep in front of me. I saw the guard wave at me at the entrance waiting for him to hand me a card - ah wala pa baka sa taas.
We moved up... and up.. it was steep! Creepy Dark Parking! 1st floor says "Tops Off area"
Hmmm.. Ah baka Restaurant Parking.. Reserved!
2nd floor ganun din...
3rd floor ahh wala sarado may harang ..
4th -Tadah! Finally.
errrr teka bat walang mirrors ang windows? Bad dami construction boy? Bakit walang daan sa Robinsons.
Thats when it hit me... Dang! Di naman to parking ng Robinsons ha!?? Stella!!! Ok ka lang you're in fourth floor... we are suppose to go to BASEMENT parking nga! Hahahaha
Me and my mom were scaredly laughing at ourselves. Sige deadma Hanapin ang pababa. Kunwari we own the place... wag pahalatang mapapahiya.
Ayan... they are looking at us na .. Sabi ng isa.. Uy magsi-ayos kayo, ayan na ang foreman" Hahahah Astig! Ganda naman ng Kotse ng foreman nyo. Ang mommy bumanat. Sa bagay anak when I visit a site ganyan din naman.. puro lalaki ako lang babae - Mom kasi is an architect and yes I will proudly announce that she partly designed CCP!
The Fiera in front of us stopped na... wahhh san ang pababa.. sus ginagawa pa. San na .. Oh well...
Maya maya pa ayan na ang guard... hingal na hingal in his 60's by the way.
Miss miss san po ba kayo? He said
I smiled and cheerfully said: " Manong! Mali po ako sorry ... san po ba ang pababa at sa Robinsons kami e ."
"Pasensiya na ha.. di ko kabisado."
Di Ko naisip , pero si mommy sabi niya.. hala 4th floor tinakbo niya para lang abutan tayo hahahahha... Oh my gosh! OO nga ano. ang bilis ha. di pa nagiinit gulong natin sa tuktok aba nandyan na siya.
"Hitch mo na , Hitch mo na " my mom requested me. Naawa si mommy as in.. ako Im busy panicking sa totoo lang di lang nila nakikita hahahhaa.
So the guard went in and warned me: "ahh miss busina ka pababa ha kasi may makakasalubong ka ".
Waahhh ano ba naman yun.. at kung meron aber? Di ako mag rereverse ha... ang tarik na ang ikot pa as in - parang curly fries! Tanga po ako sa reverse reverse. Yan ay inisip ko lang... di ko naman sinabi sa kawawang guard.
I opened my lights .. beeped a few times. Cant do it continuously kasi nga ikot ikot manibela. Paano mo naman ma honk horns mo ok sana kung ang busina nasa gitna. eh nasa side kaya?! so malamang pumilipit din ang kamay mo kakabusina hahahha.
1 more floor to go and aaak! Fork lift nasa harap ko. Nagkagulatan pa sus! Naku manong sabihan mo baba po ako ( hahaha foreman nga ) ..
Guard:" sige sige dito na lang ako "
Ahh thankfully madali naman for the fork lift mag reverse... at may instant guard guide ako mag-maniubra papunta sa isang butas tungo sa BASEMENT parking.
Salamat manong Bless you po! Babalik ako libre kita ng inumin hahahah.
Ang mommy ko tawa ng tawa.. sila Rocky nang na kwento ko sus Tawa ng tawa.. Misadventures of Stella.... tatlo na yan.. hay magco comics strip na ako. Sayang naman at mabenta sa friends ang mga kwento ko - mas ok kasi may facial expressions and actions pa!
Hay .... natatawa ako pero kung ako yun baka iyak na ako ng iyak. hahaha!
Joy: need ko si inday! Ipadala mo yan ha pagmay lakad ako .. hehehe